Senior na, nagloko pa | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

October 4, 2025 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Sobrang naaawa ako sa nanay ko dahil kahit hindi niya sinasabi sa amin na may pro-blema sila ng tatay ko ay ramdam ko.

Kasi naman ang tatay ko nakakainis dahil kung kailan tumanda ay saka pa nambabae.

Kung bakit ba naman, kung kailan senior na sila ay saka pa niya naisip magloko. Banas talaga ako sa tatay ko, tumatandang walang pinagkatandaan.

Naaawa ako ng sobra sa nanay ko dahil, sa edad niya ay hindi na sana siya nakakaranas ng mga walang kabuluhang emosyon.

Ang hinahangad ko ay mag-relax at ma-ging masaya sa piling ng bawat isa ang mga magulang ko na pawang may edad na.

Paano ko ba matutulungan si nanay? Sa gigil ko ay talagang gusto ko nang i-post sa FB ang mukha ng babaeng sumisira sa aming pamilya.

Tama ba ang gagawin ko?

Nelly

Dear Nelly,

Huwag kang magpapadalos ng desisyon. Kadalasan ang pagpapatangay sa emosyon ay hindi nagiging solusyon kundi dagdag na problema ang susulpot.

Isipin mo na lang, lalo na sa panahon ngayon ay talagang mahigpit na ang batas pagdating sa paggamit ng social media.

Baka imbes na makabuti ay lumala ang sitwasyon.

Ang payo ko ay pagtuunan at pag-ukulan mo ng panahon na kausapin ang inyong nanay. Hindi upang magbuyo ng masamang balak, mas maigi na maging postibo ang hakbang. Dahil higit na kailangan ng inyong nanay ang karamay sa kanyang pinagdaraanan. Hayaan mo ang iyong nanay ang mag-isip ng dapat gawin.

Pakinggan mo lang siya at i-comfort dahil tiyak na ‘yun ang mas kailangan niya.

Kasama mo ako sa panalangin na matiwasay ninyong malampasan bilang isang pamilya ang hamon na dumating sa pagsasama ng inyong mga magulang.

Dr. Love