MANILA, Philippines — Magpapatupad muli ang Commission on Elections (Comelec) ng early voting hours para sa vulnerable sector sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa ilalim ng Resolution No. 11154, pinahihintulutan ng Comelec ang mga senior citizens, mga buntis, at Persons With Disabilities (PWDs) na makaboto ng mas maaga o mula 5:00 AM hanggang 7:00AM sa kanilang designated voting centers.
Magsisimula pa rin naman ang regular voting hours mula 7:00AM hanggang 3:00PM.
Matatandaang nagpatupad din ang early voting hour policy noong May 2025 midterm polls.
Itinakda na rin ng Comelec ang 10-araw na nationwide voter registration mula Agosto 1 hanggang 10 para sa BSKE.
Ang 2025 BSKE ay nakatakdang idaos sa Disyembre 1.
