MANILA, Philippines — Muling kinilig ang mga millennials matapos muling makita ang iconic na boyband na F4 sa entablado, matapos ang mahigit isang dekada ng pananabik mula sa kanilang mga tagahanga.
Hindi inaasahan ng marami na muling magsasama sina Jerry Yan, Ken Chu, Vanness Wu, at Vic Chou sa 25th anniversary concert ng sikat na Taiwanese rock band na Mayday noong Hulyo 12, 2025, sa Taipei Dome.
Sa gitna ng masigabong sigawan ng mga manonood, inawit ng F4 ang kanilang walang-kupas na hit na “Meteor Rain,” na nagbigay-buhay sa nostalgia ng libo-libong fans sa buong mundo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama-sama ang grupo sa isang pampublikong pagtatanghal mula pa noong 2013 Spring Festival Gala sa China.
