Setyember 19, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 19, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maging mahinahon kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan. Dahil lalong lalala kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasan ang makapagsalita na ikakasakit ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 22, 42 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Huwag magdamdam kung hindi matutupad ang ipinangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 31, 41 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 26, 38, 42 at fuchsia.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 35, 41 at magenta.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang suliranin na bumabagabag ay mareresulba. Ito ay dahil sa tulong ng iyong minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 31, 38 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa walang imikan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 36, 42 at ocean blue.  

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag asahan na sagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw. Magpakatotoo at magugustuhan ka. Lucky numbers at color for the day ang 18, 21, 25, 36 at beige.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Kung inaakalang hindi tama ang pagsagot sa manliligaw ng “oo,” pag-isipan muna ng maraming beses. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 34, 39 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Maganda ang personalidad na aakit sa mga tagahanga. Tanggihan ang hindi gusto. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 37, 39 at orange.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Ok ang gawaing pisikal. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil bibigay ang katawan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 21, 36, 33 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na katanyagan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 26, 41 at pink.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Sa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak ay remedyuhan. Lucky numbers at  color for the day ang 11, 19, 29, 40 at lavender.