Setyembre 18, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 18, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hindi mo makukumbinsi ang kausap kung wala kang maipapakitang katibayan. Maging handa sa lahat ng pagkakataon. Huwag ilantad ang lahat, lalo na kung wala kang tiwala sa kausap. Lucky numbers at color for the day ang 1, 25, 27, 34 at golden yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan pansamantala ang mga kaibigang Leo dahil may bantang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 28, 38 at beige.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kaya mong harapin ang anumang ba-lakid sa buhay kung buo ang loob at may tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 23, 31 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung hindi maganda ang nararamdaman, huwag balewalain. Magpahinga kung ito ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 25, 36 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Pokus ka sa iyong mga priorities. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 24, 34 at violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Aksiyon ka agad sa problema. Iwasan ang magulong barkada para malayo ka sa ka pahamakan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 28, 30, 38 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may makakasagupa na walang paggalang, larawan ‘yan ng sarili. Panahon ng pagbago ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 28, 39 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Hingin ang opinyon ng higit na nakakaalam dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 19, 33 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung ano ang pinapangarap, huwag i-bulgar. Kilos at gawin ang lahat ng makakaya para matupad ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 28, 38 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ituloy ang binabalak ng walang alinla-ngan, dahil dito ka uunlad at giginhawa. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 29, 34 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag pilitin kung inaakalang hindi kaya.Taimtim na panalangin ang ila-kip Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 41 at apple green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Maganda ang umaga subalit magiging masalimuot ang situwasyon sa bandang dapit-hapon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 35, 42, 47 at green.