Setyembre 21, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 21, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may usok, may apoy; ‘yun ang kasabihan. Subalit hindi lahat ng usok ay nagmumula sa apoy. Kung may balitang masagap na ikakaputok ng butsi, alamin muna ang puno’t dulo bago magdesisyon dahil baka magkamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 29, 36 at peach.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Ang panaginip ay bunga ng pagtulog, suba-lit sa pagkakataong ito kung nanaginip ay magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 39, 41 at cream.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag magpaapekto sa mga pangyayari. Ang mahalaga ay matugunan ang kailangan ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 20, 33, 40 at royal blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Matatagpuan mo ang katahimikan kung magre-relax. Magi-ging masigla ang love life mo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 27, 39 at lilac.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Gawing kaaya-aya at walang kasing sigla ang katungkulan na nakaatang sa balikat. Huwag basta magtiwala. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 27, 36 at blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Kung hindi maaalis ang duda sa minamahal magiging negatibo at malabo ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 41 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Manalangin na hindi matuloy ang balak ng isang malapit na kaibigan, kamag-anak o kasamahan laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 33, 39 at purple.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Hindi maiiwasan ang makipagtalo. Pero mailalayo ang sarili sa away kung magiging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 28, 35 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung sinimulan ang balak, may kaunlaran na naghihintay. Kung hindi, bibilang ka ng ilang taon. Lucky numbers at color for the delay ang 3, 10, 33, 43 at orange.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ang mga biyayang tinatamasa ay ipinagkaloob ng Maykapal. Kaya dapat lamang na ipagpasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 22, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mabait, maunawain at matulungin ka. Mag-ingat dahil ang nakapaligid ay magsasamantala. Lucky numbers at color for the day ang 12, 22, 39, 43 at canary yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – May makakatagpo na hindi inaasahan. Ang alaala nang nakalipas ay manunumbalik sa isip. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 31, 32 at pink.