Setyembre 30, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 30, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Tiyakin lang na hindi ka maaargrabyado sa gagawing desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maging maingat sa mga salitang bibitawan nang hindi mapahiya sa kapwa. Cool ka lang! Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at old rose.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Problemado man, lilitaw ang tunay na mga kaibigan. Sapat na ito para maging magaan ang susunod na pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga sinasabi sa iyo. Umaksiyon. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35,42 at yellow orange.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magiging masaya ka. Makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at pale yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Isiping mabuti ang dapat gawin. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang mga desisyon na walang katuturan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mainis kung nagiging makulit ang nakapaligid sa iyo. Dahil sadyang lapitin ka ngayon ng mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at oak brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hayaang maramdaman ng minamahal ang pagkamaalalahanin mo. Patunay ito na tapat ka sa iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Sa bawat araw na nagdaraan, maiinip ka. Tamang panahon ngayon para sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at baby pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag mangamba dahil ang lahat ng mga pangyayari ay maglalantad sa’yo sa iyong kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit sa minamahal, mawawalan ng tiwala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at blue gray.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag hayaang ma-ging katatawanan ng lahat.Hindi dahilan ang pagiging kakaiba para pagtsismisaan ka Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at off-white.