Setyembre 4, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 4, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Anuman ang gagawin, tiyakin na ligtas ka at walang masasaktan. Kulang ka sa pakikisalamuha sa kapwa dapat simulan. Posibleng may magdamdam sa miyembro ng pamilya dahil hindi mo na napagtuunan ng atensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 25, 41 at peach.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Huwag patulan ang posibleng mangako na kikita ka ng malaki, dahil peke ito at gusto kang mabiktima. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 34, 39 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kahit masakit sa kalooban, panindigan ang desisyon. Kung may makulit, huwag patulan. Lucky num-bers at color for the day ang 3, 9, 19, 44 at brown.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Hindi matutumbasan ng salapi ang kalusugan. Tamang exercise at diet ang kailangan. Tubig ang inumin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 31, 41 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung may lakad o lalakarin, gawin bago sumikat ang araw para magtagumpay. Wala kang maaasahang tulong. Lucky numbers at color for the day ang 17, 22, 27, 40 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung may problema, ituring na isang magandang pagkakataon na may matutuhang leksiyon na hindi na maulit. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 23, 33 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung inaakalang tama ka sa iyong gagawin, huwag nang mag-atubili. Gawin kaagad dahil magtatagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 23, 39 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Isang proyekto ang hahamon sa talino. Ang taglay na imahinasyon ay mahahasa, Lucky numbers atc olro for the day ang 11, 12, 27, 36 at navy blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Masaya ka ngayon, pero isang malapit ang makadarama. May magbubukas na oportunidad. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 28, 38 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Gagalangin ka kahit ng bata kung marunong kang gumalang sa tamang paraan. May magawa ka. Lucky num-bers at color for the day ang 8, 16, 29, 40 at cream.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang paghanap ng tahimik na lugar para makapag-isa ay indikasyon na may tension. Huwag mabahala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 39, 42 at fuschia.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig, huwag maghinanakit dahil hindi siya ang bagay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 35, 40 at indigo.