Singil ng Netflix, tataas simula sa Hunyo 1


MANILA, Philippines — Asahan na sa susunod na buwan ang dagdag singil sa Netflix sa kanilang mga subscriber sa Pilipinas kasunod ng pagpapatupd ng pamahalaan ng 12% value-added tax (VAT) sa digital services ng mga dayuhang kompanya.

Batay sa abiso na ipinadala sa mga subscri­ber, ipinaalam ng Netflix ang tungkol sa ipapataw na VAT sa memberships, at kung magkano ang kanilang magiging bagong buwanang si­ngil simula sa Hunyo 1, 2025. Mobile: P169 per month; Basic: P279 per month; Standard: P449 per month (dagdag na P169 per month para sa bawat extra member slot) at Premium: P619 per month (dagdag na P169 per month sa bawat extra member slot, na hanggang dalawa).

Sa kasalukuyan, ang monthly rates ng Netflix ay P149 para sa mobile plan, P249 sa basic, P399 sa standard, at P549 sa premium, at dagdag na P149 kung may dagdag na member slots.

Matatandaang pinir­mahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang ma­ging ganap na batas ang Republic Act 12023, na nagpapatupad ng 12% VAT sa digital services na kinabibilangan ng media, music, video, video-on-demand, at advertising.