Sobrang pagkain, may masamang epekto


HINDI dapat kumain nang sobra-sobra sapagkat may ma­sama itong epekto sa katawan. Dodoble ang trabaho ng liver, pancreas, kidney at heart. Mahihirapang tunawin ang kinain.

Tataas din ang blood sugar. Kapag labis ang kinaing karne, marami ring dumi na kung tawagin ay “free radicals” ang ilalabas nito.

Kaya ipinapayo ng mga eksperto ang pagkain ng “high nutrient at low calorie diet.” Ang ibig sabihin, mataas sa nutrisyon ang dapat kainin pero mababa naman sa calorie.

Para matupad ito, subukang kumain nang mas maraming gulay, isda, prutas, beans at soy products gaya ng tofu, taho at tokwa.

Bawasan ang pagkain ng karneng baka at baboy, mata­tamis na inumin, at matatabang pagkain.

Limitahan din ang pagkain ng kanin. Subukan ang kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainan pero damihan ang gulay at prutas. Kung mababawasan ng 10 percent ang kina­kain, pupuwede na.

Ang isa pang payo ay ang pagkain ng 5-6 na beses sa isang araw, pero pakonti-konti lang. Ang isang saging, man­sanas o pandesal ay puwede nang pangmeryenda.

Sa ganitong paraan, dahan-dahan ang pagpasok ng nutris­yon sa katawan. Mas maginhawa ito sa mga organ ng katawan.

Gayahin natin ang mga Japanese na konti lang ang kina­kain pero mahaba ang kanilang buhay. Tandaan: Huwag kumain nang sobra-sobra.