August 18, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pormal na hiniling ni Senate Minority Leader “Tito” Sotto III kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na magpatupad ng mandatory drug test sa Senado matapos ang umano’y paggamit ng marijuana ng isang staff.
“To maintain a drug-free workplace, I am asking that a mandatory random drug test be immediately conducted in the Senate in accordance with the pertinent police order in place,” saad ng liham ni Sotto.
Matitiyak din aniya ang magpapanatili ng morale, kahusayan, integridad na dapat makita sa mga nagseserbisyo sa gobyerno.
Ayon kay Sotto, noong siya ang Senate President noong 18th Congress, nagpatupad siya ng random drug testing upang matiyak na drug-free ang Senado.
Nauna nang iniutos Escudero ang imbestigasyon sa umano’y paggamit ng marijuana ng isang staff ni Sen. Robin Padilla.
Pinangalanan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms ang dating aktres na si Nadia Montenegro, na ayon sa isang staff ni Sen. Panfilo Lacson ay siyang nasa ladies’ comfort rooom nang mag-amoy marijuana umano sa lugar.
Mariing itinanggi ni Montenegro ang akusasyon bagaman at aminado siyang may dalang vape sa kanyang bag.
Naka-leave of absence na si Montenegro habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang tanggapan ni Padilla.