Swedish na child sexual offender, naaresto sa Pampanga


MANILA, Philippines — Isang Swedish national na nagtago sa bansa ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City, Pampanga, nitong Abril 2.

Sa pulong-balitaan, iniharap ni NBI Director Judge Jimmy Santiago ang dayuhang si Heinz Henry Andreas Berglund, na suspek sa panggagahasa sa 10-taong gulang sa Sweden noong 2021.

Nahaharap ang suspek sa 2 counts Rape of a Child, Preparation to Rape of a Child (Chapter 6, Section 4), Gross Sexual Assault of a Child (Chapter 6, Section 6) at Child Pornography Offence (Chapter 16, Section 10a), sa ilalim ng Swedish Criminal Code.

Nag-ugat ang pagtugis sa natanggap na impormasyon mula sa Swedish Police Authority (SPA) sa pamamagitan ng Homeland Security Investigations (HSI) hinggil sa nasabing Swedish child-sexual offender.

Magkasanib ang puwersa ng NBI-Violence Against Women and Children Division, BI-Fugitive Search Unit, nang arestuhin si Bergland sa Ambassador Suites, sa Angels, Pampanga.