Philstar.com
September 1, 2025 | 5:58pm
MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang negosyanteng si Sarah Discaya kung kailan sila unang naging bilyonaryo sa construction, lalo na sa mga proyekto ng DPWH sa Blue Ribbon Committee hearing nitong Septyembre 1.
Sagot ni Discaya, noong 2012 sila unang nakakuha ng DPWH project at 2016 naman nang mapasok ang flood control contracts.
Sa isyu naman ng viral video na nagpapakita ng higit 40 luxury vehicles, iginiit niyang inedit umano ito para palabasing puro DPWH projects ang pinagmulan ng kanilang yaman.
Si Discaya ay presidente ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corporation na kasama sa listahan na nilibas ni Pangulong Ferdinand «Bongbong» Marcos Jr. ng mga nangungunang contractors na may hawak ng mga flood control projects sa bansa.
