Tap, Scan, Gaan: Gagaan ang Commute Mo sa MRT-3 with GCash!


MANILA, Philippines — ‘Pagdating ng rush hour, kanya-kanyang hugot ng barya at hindi magkanda-ugaga sa pila ang mga Pinoy commuter. Ngayon, mas bibilis at gagaan na ang pang-araw-araw na biyahe: pwede nang gamitin ang GCash na pambayad sa MRT-3!

Natupad na sa Pilipinas ang inaasam ng marami pagdating sa biyahe: ang cashless commute na pwedeng idaan sa pag-tap o pag-scan. Sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation, puwede nang umiwas sa mahabang pila sa pagbili ng ticket, pati na rin ang pagpasok sa mismong station, salamat sa MRT fast lane na para lamang sa cashless transactions.

Siguraduhin lamang na may P28 minimum balance sa GCash wallet (katumbas ng maximum fare para sa North Avenue-Taft na biyahe), at pwede nang gamitin ang GCash sa MRT-3! Ibabawas ang P28 sa wallet pagkapasok sa MRT, at ibabalik kung mayroon man ang sukli sa iyong GCash wallet kapag nakalabas na ng MRT station. Makikita ito sa Transaction History ng GCash app.

Ngayon, hindi na kailangang maghanap ng barya o saktong pambayad dahil makikita agad ang laman ng GCash balance, puwede mag top-up kahit kailan, at diretso na ang bayad mula sa iyong GCash wallet. Higit sa lahat, pwede ka rin pumili ng paraan ng paggamit ng GCash na pinakababagay sa iyo:

Tap to Pay gamit ang smartphone

Kung NFC-enabled Android ang gamit mo, pwede mo nang ticket ang mismong cellphone mo. Sundan lamang and one-time activation ng GCash Tap to Pay:

  1. I-tap ang Settings sa GCash app

     
  2. I-on ang NFC sa Settings

     
  3. Mag-login sa GCash

     
  4. Click “Tap to Pay” at mag-agree sa Terms and Conditions

Kapag activated na sa GCash, ang bawat sakay ay dalawang tap lamang. Buksan at mag log in sa GCash app, i-tap ang phone sa turnstile pagkapasok at pagkalabas ng MRT platform.

I-scan ang iyong GCash Commute QR

Para sa mga walang NFC o sa mga naka-iPhone, madali pa rin ang paggamit ng GCash kapag nag-generate ng Commute QR sa app:

  1. Buksan ang Gcash at i-tap ang Commute icon sa app

     
  2. I-click ang Generate QR. Pwede ito i-download o kuhaan ng screenshot

     
  3. Diretso na sa MRT fast lane at itapat ang QR code sa scanner. Pwede rin itong i-download or kuhaan ng screenshot.

     
  4. Kapag na-scan, pwede nang dumiretso sa MRT platform

Kapag umabot na sa destinasyon, i-scan lang ulit ang parehong QR code at mababawas sa iyong GCash wallet ang bayad sa MRT. Para sa Globe and TM users, pwede rin itong gamitin kahit walang mobile data!

I-tap ang GCash Visa Card

Para sa mga panahong mahina ang signal o naubusan ng battery, pwede pa rin ang cashless commute gamit ang GCash Visa Card. Dahil nakakabit ito sa iyong GCash wallet, wala nang abalang pumila para sa load, at kayang-kaya itong gamitin hindi lang sa MRT-3 kundi pati na rin sa milyong online at offline stores pang-shopping. Pwede ring makapag-withdraw ng cash sa kahit anong ATM gamit ang GCash Visa Card sa mababang transaction fee na P10.

Kasalukuyang naka soft launch ang paggamit ng GCash Visa Card sa MRT-3—ibabawas ang P28 sa unang tap pagkapasok ng platform, at ibabalik kung may sukli man sa iyong GCash wallet hanggang 24 hours pagkatapos mag-tap paglabas ng platform. Maaari mong makita ang mga detalye sa Transaction History ng iyong GCash app.

Kung wala ka pang GCash Visa Card, madali lamang ang pag-order sa app at siguraduhing i-link sa iyong GCash account bago gamitin:

  1. I-tap ang “Cards” sa GCash app para mag order ng GCash Visa Card

     
  2. Para sa pag-order: Select “Order a Card”, ilagay ang delivery address, bayaran ang P250 fee, at hintayin ang card sa loob ng 7-10 na araw

     
  3. Para sa pag-link: Select “Link my Card”, ilagay ang One-Time PIN (OTP) at i-submit

     
  4. Ilagay ang last 4 digits ng iyong card at ng virtual account number sa likod ng card at i-submit

Level-up na ang pang-araw-araw na biyahe salamat sa GCash. Mag-tap, mag-scan, o gumamit ng card—ano man ang piliin, makakaiwas na ang mga Pinoy commuter sa mahahabang pila at abala ng paghanap at pagkapa ng barya. Tipid sa oras, tipid din sa stress kapag nagbayad with GCash!

 

Handa ka na bang i-level-up ang iyong biyahe? I-download ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store o Huawei App Gallery.


Editor’s Note: Ang press release na ito para sa GCash ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar.com.