MANILA, Philippines — Binaklas ng Tiktok ang may halos 5 milyong mga videos mula sa Pilipinas na napatunayang lumabag sa kanilang community guidelines mula October hanggang December 2024.
Ayon sa Tiktok, karamihan nang 4.85 milyong videos na kanilang inalis sa kanilang platform ay mga sensitbo at “mature themes” gayundin ng mga regulated goods at commercial activities.
Sinasabi ng Tiktok na nasa 99.6 percent ng videos na kanilang tinanggal ay pawang “proactive”. Hindi umano pinapayagan ng Tiktok ang mga misinformation na nakakaapekto sa indibidwal at komunidad.
Nasa 98 percent umano ng mga videos sa Tiktok na nagpapalaganap ng maling impormasyon o fake news ang kanilang tinanggal.
