Trader na rin ng gulay…Lando Guevara’s farm


ANG MAGSASAKANG REPORTER — Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

February 17, 2026 | 12:00am

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po inyo ang inspiring na buhay sa pagtatanim ng halaman ng isang magsasaka na nga-yon ay kilalang trader na rin ng gulay.

Ang aking tinutukoy ay si Lando Guevara na owner ng Lando Guevara’s Farm, na makikita sa Tilapayong, Baliwag, Bulacan.

Ayon kay Lando, dati ay isda ang kanyang inaalagaan sa Pampanga pero noong manirahan sa Bulacan, pagtatanim ng gulay ang kanyang naging trabaho.

“Taga Bulacan kasi ang misis ko at ang trabaho ng kanyang pamilya ay pagtatanim ng gulay kaya iyon na rin ang aking naging trabaho,” ani Lando.

Noong una ay nakikitanim lamang si Lando pero kalaunan dahil sa kanyang sipag, tiyaga, diskate at ipinagkatiwala sa dakilang lumikha ang kanyang buhay at unti-unting nagkaroon ng ginhawa.

Sa ngayon ay may dalawang ektaryang taniman ng gulay si Lando na kanyang ni-

rerentahan ng 80,000 kada taon.

Hindi lang ang pagtatanim ng gulay ang pinagkaka-abalahan ngayon ni Lando sa halip ay namimili na rin siya ng gulay sa kanyang mga kapwa magsasaka sa kanilang lugar na binebenta niya sa Balintawak Market sa Quezon City.

Kilalang trader na ng gulay si Lando sa kanilang lugar kaya nakakatulong na rin siya sa kapwa magsasaka dahil hindi na problema ang bibili sa kanilang mga ani.

Kung dati ay nahihirapan si Lando sa pagpapa-aral sa private school sa kanilang tatlong anak, ngayon ay hindi na dahil sa maayos at magandang kita sa paggugulay.

Naipagawa at naipaayos na rin ni Lando ang kanilang bahay na dati ay gawa sa kahoy, ngayon ay na bato at maganda na.

Nakapundar na rin ng magarang sports utility vehicle (SUV) si Lando at iba pang makinarya gamit sa pagsasaka.

“All year round ay gulay ang aking tanim at katuwang ko ang aking misis sa pagbibiyahe ng gulay,” aniya.

Naniniwala si Lando na ano man ang nakakamit na tagumpay ng isang lalaki na tulad niya ay nasa likod ang suporta at tulong ng kanyang misis.

Ani Lando, sa kanyang maliit na kakayanan ay nakakatulong na rin siya sa layuning ng gobyerno na magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat Pilipino sa kanilang hapag-kainan.

Bukod sa kanyang misis at tatlong anak ay may dalawa nang regular na empleyado si Lando na kanyang katuwang sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay.

Ngayong Linggo, February 22, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Lando sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pama-

magitan ng organikong Pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subs-cribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Nga-yon (PSN) ng PhilStar Media Group.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Glo-bal Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.