MANILA, Philippines — Isinisi ni United States President Donald Trump sa dating Presidente ang dahilan ng paglamig sa relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Sa kauna-unahang meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at President Trump sa White House, Washington D.C, muling pinagtibay ng dalawang lider ang pinalalakas na relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Sinabi ni Trump na kung dati ay lumamig ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa isang Presidente na pro-China, ngayon ay muling iigting aniya at muling lalakas ang alyansa ng dalawang bansa.
“I think I can say that the last administration was not getting along with them too well. They didn’t get along with anybody. They didn’t know. Honestly, they didn’t know what they are doing,’’ sabi ni Trump.
Bagama’t hindi pinangalanan, kilala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na pabor sa China at malinaw na siya ang tinutukoy ni Trump at nilinaw ni Trump na hindi kasalanan ni Marcos ang nangyari kundi ang nakalipas na administrasyon.
Wala naman aniyang masama kung nais ng Pilipinas na makipagmabutihan sa China subalit mahalaga rin ang alyansa ng Pilipinas sa Amerika.
Nagpahayag naman ng matinding suporta si Trump kay Marcos dahil sa independent foreign policy nito partikular na sa kanyang pagnanais na maitatag ang partnership sa traditional allies.
“I think he has to do what’s right for his country. I’ve always said, you know, make the Philippines great again. Do whatever you need to do,” ayon pa kay Trump.
