Try and try until you succeed…Brgy. Kapitolyo Urban Garden


ANG MAGSASAKANG REPORTER — Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

October 14, 2025 | 12:00am

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang luntiang urban garden na gulayan sa barangay na ang motto sa pagtatanim ay try and try until you succeed.

Ang aking tinutukoy ay ang Brgy. Kapitolyo Uban Garden na makikita sa Pasig City.

Ayon kay Remalyn Valles, Street Sweeper Supervisor ng Barangay Kapitolyo, noong nagsisimula pa lamang silang magtanim ay palagi silang namamatayan ng halaman pero hindi sila sumuko hanggang unti-unting ma-perfect ang pagtatanim.

“Ang motto namin ay try and try until you succeed at ngayon ay nakikinabang na kami sa bawat gulay at prutas na aming itinatanim,” ani Valles.

“Kapitolyo Urban Garden is an initiative of the barangay and City Government of Pasig to promote urban farming and food security,” pahayag ni Valles.

Sinabi ni Valles, 2nd place sila sa la-test search na Gulayan sa Barangay ng Pasig dahil sa kanilang organisado at tuluy-tuloy na pagtatanim ng gulay at prutas sa kanilang garden.

“The urban garden of barangay Kapitolyo has been awarded as 2nd runner up for sustainability and innovation,” aniya.

Pahayag pa ni Valles, kahit maliit lamang ang kanilang garden na 60 square meter ay puno naman ng iba’t ibang uri ng halaman na sama-sama at tulong-tulong nilang itinatanim ng kanyang mga street sweeper.

“Mayroon akong 12 street sweeper, pagkatapos namin magwalis ng kalsada ay nagtatanim kami ng mga gulay at prutas,” ani Valles.

Natural at organic ang mode of farming sa Kapitolyo Urban Garden.

Mayroon silang conventional at aquaponics.

“May alaga rin kaming mga isdang tilapia na kapag nagpapalit kami ng tubig ay pinandidilig namin sa aming mga halaman dahil iyon ay nagtataglay ng micro at macro nutrients na kailangan ng mga halaman.

Ilang sa harvest na gulay sa Brgy. Kapitolyo Urban Garden ay ginagamit sa feeding program ng barangay, pang kain at ang iba ay binibente para may pambili ulit ng seeds.

May mga guro, estudyante at mga matatanda ang bumibisita sa Kapitolyo Urban Garden para magpaturo rin ng pagtatanim.

Namimigay rin ng binhi at punla ang grupo ni Valles sa mga residente ng Brgy. Kapitolyo na interesado na magtanim ng kanilang sariling pagkain.

Malugod na nagpapasalamat si Valles kay Pasig City Mayor Vico Sotto at mga opisyal ng CENRO dahil full support sila sa kanilang proyekto.

Hinihikayat ni Valles ang lahat na magtanim na rin ng kanilang sariling pagkain sa kanilang bakuran.

Ngayong Linggo, October 19, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Remelyn Valles sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subs-cribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng mga halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.