MANILA, Philippines — Inalis na Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami advisory na naipalabas nito nang magkaroon nang malakas na paglindol sa eastern Kamchatka Peninsula ng Russia na umabot sa magnitude 8.8 kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, tinanggal na ang tsunami advisory alas-4:40 ng hapon kahapon dahil wala namang significant sea level disturbances o destructive tsunami waves na naitala sa baybayin ng Pilipinas mula alas-7:25 ng umaga hanggang sa kanselasyon.
“With this, any effects due to minor sea level disturbances have largely passed, and therefore, DOST-PHIVOLCS has now cancelled the recommendations issued for this event,” ayon sa abiso ng Phivolcs.
Una nang binalaan ng Phivolcs ang mga nakatira sa coastal areas sa silangang bahagi ng bansa na nakaharap sa Pacific Ocean dahil sa inaasahang tsunami na may kulang-kulang isang metro.
Nag-utos din ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng preemptive evacuation sa mga residenteng nakatira sa mga coastal areas na inaasahang maapektuhan ng tsunami dahil sa naganap na lindol.