February 28, 2026 | 12:00am
Isang dekada nang nakatengga
MANILA, Philippines —Nakatakda nang tapusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang tulay sa Pangasinan na may isang dekada nang nakatengga.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ipinamamadali na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng Villasis-Sto. Tomas Bridge sa Pangasinan.
Layunin nitong maiwasan nang bumiyahe pa nang malayo ng mga residente at motorista papunta at pabalik ng Villasis at Sto. Tomas.
Paniniguro pa ng Kalihim, sa sandaling matapos na ang proyekto, mapapabilis ang biyahe ng mga residente at motorista dahil magiging limang minuto na lamang ito mula sa dating 30-minuto.