Vargas sa Bagong Urban Planner: Unahin kabutihan, malasakit sa kapwa


MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City 5th district Councilor Alfred Vargas sa kapwa niya bagong urban planner na unahin ang kabutihan at malasakit sa kanilang mahalagang papel bilang mga tagahubog ng mga siyudad sa bansa.

Sa kanyang valedictory address sa Recognition Rites ng University of the Philippines School of Urban and Regional Planning (SURP) sa Diliman, binigyang diin ni Vargas na ang epektibong urban planning ay higit pa sa teknikal na kaalaman at mahalaga rin ang pagiging makatao upang makalikha ng mga komunidad na tunay na maginhawa at progresibo.

Ang talumpati ni Vargas ay kasunod ng kanyang pagtatapos bilang valedictorian ng Diploma in Urban and Regional Planning (DURP) program sa SURP ng UP Diliman. Nakakuha siya ng pinakamataas na academic standing na may General Weighted Average (GWA) na 1.0288 at ginawaran ng Dean’s Medallion.  

Binigyang-diin ni Vargas na ang kabutihan ang ugat ng “malasakit, good governance, paninindigan para sa social justice, paggalang sa pagkakapantay-pantay, at pagkilala sa dignidad ng bawat isa.