February 4, 2026 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Gusto ko po humingi ng payo tungkol sa isang kakilala kong security guard. Siya ay masipag at tapat sa kanyang trabaho, pero kapalit nito ay ang palagiang pagpupuyat dahil gabi-gabi ang kanyang duty.
Sa paglipas nang panahon, napansin namin na madalas na siyang manghina, sumakit ang ulo, at kalaunan ay nagkasakit na.
Ang mas masakit po, kahit alam niyang naapektuhan na ang kanyang kalusugan, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho dahil kailangan niya ang kita para sa kanyang pamilya. Wala siyang sapat na pahinga at tila isinasaisantabi na niya ang kanyang sarili para lamang makapagbigay sa mga mahal niya sa buhay.
Dr. Love, tama po ba ang ganitong sakripisyo? Hanggang saan po ba dapat unahin ang trabaho kung kapalit naman ay ang sariling kalusugan?
Paano po namin siya matutulungan na maintindihan na mahalaga rin ang magpa-hinga at alagaan ang sarili?
Sam
Dear Sam,
Ang sipag at sakripisyo ng isang security guard ay tunay na kahanga-hanga. Ngunit tandaan natin, ang kalusugan ay puhunan sa buhay at sa trabaho.
Walang saysay ang mahabang oras nang pagtatrabaho kung mauuwi naman ito sa mas matinding sakit na maaaring magpahinto sa kanya nang tuluyan.
Ang tunay na pagmamahal sa pamilya ay hindi lamang nasusukat sa pagod at sakripisyo, kundi pati sa pag-aalaga sa sari-
ling katawan.
Hikayatin ninyo siyang magpatingin sa doktor, humingi ng mas maayos na schedule kung maaari, at matutong magpahinga. Hindi kahinaan ang maglaan ng oras para sa sarili—ito ay karunungan.
Tandaan na mas kailangan ng pamilya ang isang taong buhay, malusog, at may lakas, kaysa sa isang taong ubos na ang katawan dahil sa labis na pagpapakapagod.
DR. LOVE