MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang babayaran sa mga ospital ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente.
Sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, sinabi nito na “zero balance billing” na sa mga ospital ng DOH dahil sasagutin na ng gobyerno ang lahat ng gastusin ng mga Pilipino rito.
“Itutuloy na po natin ang zero balance billing. Libre po. Ibig sabihin, ang serbisyo sa basic accomodation sa ating mga DOH sa ospital, wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo,” sinabi pa ni Marcos.
“Uulitin ko, wala nang kailangang bayaran ang pasyente basta sa DOH hospital dahil bayad na po ang bill ninyo”, giit pa ni Marcos.
Nakikipagtulungan na aniya siya sa DOJ para sa budget at pagpapaganda ng health care system ng bansa.