14K illegal water connections, may legal nang linya ng tubig — Maynilad


Angie dela Cruz — Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — May sarili nang kontador ng tubig ang may 14,000 dating mga delinguent accounts na dating nabisto sa pagkakaroon ng illegal water connections mula January 2024 hanggang August 2025.

Ayon sa Maynilad, ang mga customer na ito ay nakakonekta na sa sistema ng kompanya makaraang bayaraan ang kanilang arrears at makapag-comply para sa kanilang account reinstatement requirements.

Bilang bahagi ng inisyatibang ito, tinatanggal ng Maynilad ang mga unauthorized service lines, tampered meters, at illicitly reopened water connections.

“Water pilferage not only reduces supply pressure for paying customers, but also poses serious public health risks as illegal tapping may introduce contaminants into the distribution network,” pahayag ni Maynilad Head of Customer Experience and Retail Operations, Engr. Rodolfo O. Baylas Jr.

Aniya, patuloy ang ­pagsasagawa ng kompanya ng regular monitoring activities sa tulong ng mga local government units at law enforcement agencies.

Alinsunod sa Republic Act No. 8041 (Water Crisis Act of 1995) may parusang pagkakulong at multa sa mga mahuhuling may illegal connections ng tubig.