DENVER — Bumira si Jamal Murray ng 27 points habang may 22 markers si Aaron Gordon sa 113-104 overtime win ng Nuggets sa Oklahoma City Thunder sa Game 3 para sa 2-1 lead sa kanilang Western Conference semifinals series.
Humakot si Nikola Jokic ng 20 points, 16 rebounds at 6 assists para sa pagbangon ng Denver mula sa 43-point loss sa Oklahoma City sa Game 2.
“I get why he’s frustrated. But Game 4 is going to come and he’s going to touch it a million times. Hope he shoots it all the time,” ani Nuggets interim coach David Adelson kay Jokic na tumipa ng masamang 17-of-25 field goal shooting kasama ang 0-of-10 sa three-point line.
Malamya rin ang field goal shooting ni Thunder star Shai Gilgeous-Alexander na naglista ng 15-of-22 shots para tumapos na may 18 points.
Nagtala si Jalen Williams ng 32 points at may 18 mar-kers si Chet Holmgren para sa Oklahoma City na umiskor ng dalawang puntos sa extra period kumpara sa 11 markers ng Denver.
Nagtabla sa 102-102 sa regulation, parehong mintis ang mga potensyal sanang game winners nina Gilgeous-Alexander at Jokic para sa kanilang mga koponan.
Sa Indianapolis, bumanat si Donovan Mitchell ng 43 points sa 126-104 pagbawi ng Cavaliers sa Indiana Pacers sa Game 3 at ilapit sa 1-2 ang kanilang Eastern Conference semifinals series.
Pinamunuan ni Bennedict Mathurin ang Pacers sa kanyang 23 points habang may 18 markers si Pascal Siakam at nalimitahan si Tyrese Haliburton sa 4 points at 5 assists.
