67-anyos siklista nagulungan ng truck, pisak


NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 67-anyos na cyclist matapos na mabangga at magulungan ng dump truck na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Rotonda area ng Brgy. Concepcion Pequeña, dito sa lungsod kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the spot ang biktima na kinilalang si alyas “Cha”, binata, residente ng Greenland Avenue ng naturang barangay.

Hawak na ng Naga City Police Office and driver ng nakasagasang trak na si Del, 57-anyos, kawani ng LGU-Naga at residente ng Zone-5, Brgy.Triangulo.

Sa ulat, dakong alas-9:48 ng gabi binabagtas ng bisikleta ng biktima ang kahabaan ng kalsada nang mabangga nang kasunod na dump truck at tumilapon sa kalsada dahilan para magulungan pa siya ng naturang trak. Hindi umano napansin ng driver na may nabundol siya at nasagasaan.

Tinangka pang isinugod sa Bicol Medical Center ang duguan at walang malay na biktima, pero idineklara na itongi patay.