BUBOT na BAYABAS (23) | Pilipino Star Ngayon


NAGTAWA si Apol sa sinabi ni Manang na baka raw engkantada ang dalagita na nahuli niyang kumukuha ng bayabas.

“May engkantada pa ba nga­yon, Manang?” tanong niya.

“Aba oo. Ito raw subdibisyon na ito ay kagubatan noong araw—marami raw punong malalaki rito. Marami raw punong balete rito.”

“Baka po kapre ang na­rito Manang, he-he-he!”

“Kinikilabutan naman ako sa sinabi mo Apol!”

“Sabi mo po kasi, baka engkantada ang dalagita.”

“Baka lang.”

“Totoo pong tao ‘yun Manang. Maganda nga po siya. Kung maayos ang suot niya, lulutang ang ganda.”

“Anong suot?”

“Naka-shorts lang po at shirt.”

“Hindi naman ‘yung tipong namamalimos.”

“Ah hindi po.”

“Sino kaya ‘yun?”

“Baka po maligaw uli rito sa kalye natin e tawagin mo po—kung puwede po.

Tanungin mo po ang pa­ngalan.

“E di sabihin ko na pumunta sa bahay mo.”

“Ah sige po. Salamat.”

Umalis na ako.

Habang naglalakad pauwi, iniisip ni Apol ang dalagita.

Malaking palaisipan sa kanya kung bakit hindi nakita ni Manang ang dalagita. Tagarito kaya sa subdibisyon o taga­labas?

Itutuloy