Michole Sorala nanapak sa court, banned na sa MPBL


MANILA, Philippines — Hindi na ulit makakalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si Michole Solera ng Gensan Warriors matapos niyang sapakain si Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraws na kinailangan pang isugod sa ospital nitong Lunes, August 11, sa Batangas City.

Sinuntok ni Solera si Tibayan, dahilan para bumagsak sa sahig ang 6-foot-3 forward at magtamo ng concussion, bali sa panga, sugat sa labi, at bali sa balikat na nakuha niya sa pagbagsak.

Pinagmumulta rin si Sorela ng P200,000 at posibleng makansela rin ang kanyang lisensya bilang basketbolista.