Gibo Teodoro binanatan ang China, sawa na sa mga kasinungalingan nila


MANILA, Philippines — Inihayag ni Defense Secretary Gibo Teodoro na sawa na siya sa pagsagot sa mga aniya’y kasinungalingan ng China hinggil sa mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag matapos ang banggaan ng dalawang Chinese vessels sa Bajo de Masinloc nitong Lunes, Agosto 11. Aniya, malinaw ang katotohanan at hindi na niya kailangang paulit-ulit na kontrahin ang mga maling alegasyon.

Nagbigay rin siya ng reaksiyon sa umano’y pagkadismaya ng China sa kanyang mga pahayag at maging sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“If they cannot handle those statements, that goes to show you what kind of people you’re dealing with. If the truth hurts, that’s their problem, not ours,” ani Teodoro.