August 18, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Tatlong uri ng porridges sa Pilipinas ang naitala sa kilalang international food guide na Taste Atlas.
Nasa top 100 porridges in the world ang paborito ng mga Pinoy na arroz caldo, ang second placer; lugaw na nasa pang-10 at champorado sa ika-19 sa talaan ng top 100.
Ang arroz caldo ay naging paboritong almusal at meryenda ay may lahok na manok, ginisa sa luya at pinipigaan ng kalamansi at garlic chips at scallions.
Batay sa ulat, ang Bubur ayam ng Indonesia ang nakasungkit ng no. 1 spot.
Noong Oktubre 2024, ang Chicken Inasal din ng Pilipinas ang naitala ng Taste Atlas bilang top Filipino food.