August 21, 2025 | 12:00am
HINDI naman bago itong bangayan ng Napolcom at PNP chief tungkol sa reshuffle at promotions ng senior police officers. “Ika nga laos na ito! Inamin mismo ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III na kahit hindi pa siya PNP chief, mayroon ng ganyang ‘di pagkasunduan. Kaya lang noong nagdaang panahon, nakuha ito sa maBOTEng usapan. Gets n’yo mga kosa?
Kaya lang imbes na i-discuss ang problema internally, may nag-isip na idaan ito sa PR ops kaya hayun naiwang napahiya si DILG Sec. Jonvic Remulla dahil mukhang si Torre ang sinuportahan ni President Bongbong Marcos. Araguyyy! Dapat kasi, nag-usap na lang ang magkabilang kampo para magkaroon ng win-win solution sa problema.
Subalit hindi idiniretso ang Napolcom order kay Torre kundi inunang inilabas sa media. JuicekoLord! Walang ibang sisisihin dito si Boss Jonvic kundi ang eager beaver na nagpalabas ng PR ops, di ba mga kosa? Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na noong panahon ng nasirang Pres. Noynoy Aquino, nagkabangayan din sina ex-DILG Sec. Mar Roxas at ex-PNP chief Alan Purisima. Ngayong panahon ni BBM, may ‘di pagkaintindihan din sina ex-DILG Sec. Benhur Abalos at ex-PNP chiefs Benjie Acorda at Rommel Marbil.
Noong panahon naman ni Tatay Digong, may itinapon din sa DIPO si then acting PNP chief Vicente Danao subalit wala namang umalma, ayon kay ret. Police Gen. John Sosito.
Sa mga sitwasyon sa itaas, hindi naman na-blown out of proportion ang problema dahil dinaan ito sa maBOTEng usapan. ‘Ika nga, hindi idinaan sa media ang problema tulad ngayon. Mismooo! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Para matuldukan na ang sigalot na ito sa kampo ng Napolcom at PNP, may suhestiyon si kosang Atty. Joaquin Alva, na dean of graduate school, at retired police general. Inamin ni Alva na may flaws talaga o may vague provisions sa RA 6975 at RA 8551 na lumabo sa administrative supervision at operational command ng PNP.
Aniya, may sobrang political interference sa assignments na sana ay magsilbing basehan ang merit at operational needs ng organization.
Ayon kay Alva, ang desisyon ng liderato ng PNP sa reshuffle at promotions at dapat dumaan sa malalim na PNP experience, na nagdulot ng iringan sa mga beteranong police officials na tumagal na ng dekada sa police force. Ganun na nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
“This is not just an internal police matter. When assignment disputes drag on, police operations stall, morale suffers, and public trust erodes, in other words, the community suffers,” ani Alva.
“My humble solution is straightforward: amend the law to clearly define authority, depoliticize assignments, and adopt transparent, merit-based criteria for senior positions,” dagdag pa ni Alva.
Kung sabagay, ang lahat ng problema ng PNP ay na-experience na ni Alva bunga sa halos tatlong dekada niya sa police force.
“It is time we fix this flaw once and for all. Clear rules make for stronger institutions, and stronger institutions mean a safer Community that truly adheres to the constitutional mandate to serve and protect. May punto si Alva. Dipugaaa!
Dapat naman talaga pagbigyan na si Torre sa reshuffle sa PNP dahil kilala niya ang mga opisyales ng PNP, dahil nakasama na niya ang mga ito mula noong tinyente pa siya. Abangan!