MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan ang Filipina tennis sensation na si Alexandra “Alex” Eala matapos maging kauna-unahang Pilipino na nanalo sa isang Grand Slam seniors’ singles match sa Open era. Tinalo niya ang World No. 14 na si Clara Tauson ng Denmark, 6-3, 2-6, 7-6(11), sa unang round ng US Open ngayong Agosto 25.
Dahil sa panalo, tiyak nang makakapaguwi si Eala ng $154,000 o humigit-kumulang P8.7 milyon bilang premyo para sa pag-abante sa round of 64.
Nakapagtala rin ang 2025 US Open ang bagong rekord bilang pinakamalaking prize-money pool sa kasaysayan ng tennis na may kabuuang $90 milyon o mahigit P5 bilyon na ibibigay sa mga manlalaro.
Susunod na makakaharap ni Eala sa ikalawang round ang mananalo sa pagitan nina Cristina Bucsa ng Spain at Claire Liu ng Estados Unidos.
