August 28, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Tutulak patungong Cambodia at Estados Unidos sa susunod na buwan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Atty.Claire Castro magkakaroon ng state visit sa Cambodia ang Pangulo simula Setyembre 7-9, 2025.
Dadalo rin si Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York sa bandang kalagitnaan ng Setyembre.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Castro tungkol sa state visit ni Marcos sa Cambodia dahil ang Department of Foreign Affairs na ang magbibigay ng mga impormasyon sa magiging biyahe ng Pangulo.
“Confirmed po na a-attend ang ating Pangulo sa Cambodia sa ?September 7-9. Ang detalye ay ibibigay na lang ng Department of Foreign Affairs,” ayon pa kay Castro.
Sa pagdalo naman ng Presidente sa UNGA sa New York, inaasahang palalakasin ng Pangulo ang ugnayan nito sa mga bansang kasapi ng United Nations, pati na ang pagsusulong sa hinahangad na puwesto ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council para sa taong 2027- 2028.
Ang Pilipinas ay aktibong miyembro ng United Nations.