Taylor Swift nahanap na ang Endgame; Travis Kelce naka-touchdown


MANILA, Philippines — Inanunsyo na nila global pop star phenomenon Taylor Swift at American Football superstar Travis Kelce ang engagement nila!

Ibinahagi nila ang magandang balita sa Instagram nitong Agosto 26, 2025 kasama sa carousel ang mga heartwarming na larawan.

Si Taylor ay nakasuot ng striped Ralph Lauren dress, habang si Kelce naman ay nakaluhod para mag-propose sa isang garden na napalibutan ng mga bulaklak.