Rodriguez, Dequinan kumuha ng gold


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

September 2, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kumolekta sina 2025 Palarong Pambansa champion Jeralyn Rodriguez at Sarah Dequinan ng tig-isang gold medal sa Malaysia Open Athletics Championships sa Perlis, Malaysia.

Tumipa ang 18-anyos na si Rodriguez ng tiyempong 56.16 segundo para dominahin ang women’s 400-meter sa kanyang unang international competition.

Kumolekta ang pambato ng University of the East ng mga ginto sa se­condary girls’ 100m, 200m at 400m sa pagdomina ng National Capital Region sa athletics event ng 2025 Palaro sa Laoag, Ilocos Norte noong Mayo.

Nauna nang nagposte si Rodriguez ng mga ba­gong record na 12.29 segundo sa women’s 100m at  24.92 segundo sa 200m ng UAAP Season 87.

Wagi naman si Dequi­nan sa women’s heptathlon sa kanyang 5,067 total points.

Nag-ambag ng mga silver sina Kharis Lark Pantonial sa men’s 400m (47.36 segundo), Loraine Batala sa women’s 400m (58.57 segundo) at Leonard Grospe sa men’s high jump (2.15m).