Roller ball panauhin sa TOPS Usapan


Pilipino Star Ngayon

September 3, 2025 | 2:00pm

MANILA, Philippines — Handa na para sumabak sa international tournament ang mga Pinoy skaters, at ang mga paghahanda ng bansa sa mga local gayundin sa international event ang sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Pangungunahan ni Philippine Roll Ball Association Inc. (PRBA) president Tony Ortega ang mga panauhin mula sa komunidad ng roller skates sa lingguhang forum ganap na alas-10:30 ng umaga at mapapanood via live streaming sa TOPS Usapang Sports official facebook page, sa Bulgar Sports at sa channel 8 ng TVC.

Inaasahang magbibigay  ng mga bagong kaganapan sa sports at sa kanilang membership sa Philippine Olympic Committee (POC) ang PRBA sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Inaanyayahan ni TOPS President Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiast na makibahagi at makiisa sa talakayan.