September 4, 2025 | 12:00am
“Gusto kong matuklasan ang mga misteryo kung bakit kami naging magkamukha. Palagay ko may nakatagong istorya kung bakit iisa ang aming itsura,’’ sabi ni Guava.
“Oo nga Guava, pareho tayo ng iniisip. Ako man gusto kong malaman kung bakit mula nang makita ko ang dalagita ay saka ko naman ikaw nakasalubong sa Ayala Avenue. At alam mo ang isa ko pang ipinagtataka Guava?”
“Ano yun?”
“Ang pangalan mo.”
“Ano ang pangalan ko, Apol?”
“Ang dalagita kaya nagtungo sa bakuran ko ay para kumuha ng bayabas. E di ba ang English sa bayabas ay Guava? Nagkataon lang ba yun?”
Nag-isip si Guava.
“Ano ang masasabi mo Guava?”
“Nakapagtataka nga, Apol. Kasi ang pangalan ko e hindi laging ginagamit. Bihirang-bihira ang may ganitong pangalan.”
“Right.”
“Basta tutulungan kitang maghanap sa dalagita.”
“Sige kung yan ang gusto mo Guava.”
Minsan nagpapahinga si Apol sa kanyang bahay nang tumawag ang kaibigang si Kit mula sa Saudi.
“Kumusta Pareng Apol?’’
“Okey lang ako Bro.”
“May girlfriend ka na?”
“Wala pa.”
“Akala ko meron na.”
(Itutuloy)