Setyembre 6, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ituloy ang mga binabalak dahil magiging positibo ang resulta, huwag lamang ang labag sa batas ng tao. Iwasan ang date dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 21, 24, 30, 42 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Walang imik, walang mali. Kakaunting sa-lita, kakaunti ang pagkakamali. Kung ano ang makita, sarilihin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 25, 36 at red.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maaaring madawit ka ng dahil sa iba ngunit maiiwasan kung magiging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 31, 39 at fuchsia.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Mahalagang pag-u-sapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, sa pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 22, 31, indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad sa sarili. Ang pangako ay hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 15, 22, 28, 39 at pale yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Aanihin ang itanim. Kung ano ang ginawa ay siyang mangyayari sa sarili. Iwasan ang sobrang mapaghinala. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 17, 37 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula ang maayos na takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 17, 23, 27, 36 at rose quartz.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag ituloy at ipagpaliban kung anong mahalagang binabalak, dahil hindi magbubunga ng maganda. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 35 at sky blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Malakas ang kutob at positibo ang kalalabasan sa anumang gawain o gagawain. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 21, 25 at bright yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magiging suliranin ang pinansiyal. Simulan ang pagba-budget dahil ito ang paraan para makaahon. Lucky  numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig dahil tiyak na ang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 24, 38 at jade green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang pagtitimpi sa sarili, hahantong sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 21, 23 at scarlet.