Setyembre 7, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 7, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Pahalagahan at huwag ikagalit ang pagpuna ng kaibigan sa nagawang pagkakamali. Sa pagkakamali maitutuwid ang hindi tama. Dahil minsan kung walang magsasabi, ang akala tama ang ginagawa, ‘yun pala ay mali. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 27, 33 at white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi matutuloy ang ilang sa mga binabalak gawin dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 7, 22, 34, 39 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May mga taong matutuwa kapag ikaw ay napipikon. Kaya huwag magpadala sa pang-aasar. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 27, 35 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Nakasuporta ang minamahal sa lahat ng binabalak, kaya walang dapat ikabahala. Stay happy. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 34, 41 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Masuwerte sa pananalapi at magandang kalusugan. Matutuklasan ang pagtataksil ng ka-partner. Lucky numbers at color for the day ng 2, 12, 28, 37 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Wala kang ibang hangad kundi mabigyan ng kaligayahan ang minamahal. Tuparin ang pangako. Lucky numbers at color for the day ang 1, 23, 29, 41 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ituloy ang mga binabalak dahil higit nitong mapapabuti ang iyong buhay. May sagabal kang makakasagupa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 28, 38 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Anuman ang gawin, magpakitang gilas ka sa iyong kilos at pag-gawa, dahil may hahanga. Lucky numbers at color for the day ang 3, 2 0, 31, 40 at brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May gagawin kang sakripisyo tungkol sa pag-ibig ngunit walang kasing ligaya naman ang kapalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 38, 40 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Dahan-dahan sa anumang gagawin at pagkilos. Iayon ito sa kaya ng katawan at isip. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 33, 43 at aqua blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Problema ang pagpapapayat. Mag-jogging tuwing umaga. Kung nag-oopisina, gumamit ng hagdan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 22, 39 at jade green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Sikapin na ilagay sa tama ang lahat ng gawain sa araw. Mag-ingat sa apoy. Huwag paglaruan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 36, 41 at yellow.