September 8, 2025 | 12:00am
206 senior citizens
MANILA, Philippines — Nasa mahigit 11,000 aspiring lawyers ang kumuha ng pagsusulit sa unang araw ng 2025 Bar Examinations, kahapon.
Sinabi ni Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro-Javier, chairperson ng 2025 Bar Examinations, kabuuang 11,437 ang Bar exam takers na kumakatawan sa 86.7% ng 13,193 examinees na tinanggap ngayong taon.
Mas marami ang mga babae na nasa 6,673 kumpara sa 4,764 lalaki. Mayroong 5,215 first-time takers, 4,239 repeat takers, at 1,984 refresher examinees.
Kabilang sa unang araw na eksaminasyon ang 206 senior citizens, 241 persons with disabilities (PWDs), 41 buntis, at 139 na may medical conditions.
Ang susunod na itinakdang pagsusulit ay sa Set. 10, Miyerkules at sa Linggo, Set. 14.
Ito ay isinasagawa sa 14 testing centers sa buong bansa at ang University of Sto. Tomas (UST) ang nagsisilbing headquarters.