Mga tip kung paano palalabasin ang plema


DOC WILLIE — Dr. Willie T. Ong — Pilipino Star Ngayon

September 16, 2025 | 12:00am

1. Uminom ng 8-10 baso ng tubig araw-araw para mabawasan ang madikit na plema at madali itong mailabas. Uminom ng mucolytic, gaya ng carbocisteine o ambroxol capsules. Ang mga gamot na ito ay maaaring makapagpabago sa plema.

2. Ang tamang pag-ubo ay nakaupo nang deretso at bahagyang pasulong. Habang umuubo, suportahan ito sa paglagay ng kamay sa tuhod o paglagay ng siko sa armrest. Sa kabilang banda, mahirap umubo kapag nakahiga.

3. Subukan ang paglanghap ng steam. Magpakulo ng dalawang tasa ng malinis na tubig at ilagay sa malaking bowl. Italukbong sa ulo ang tuwalya at saka langhapin ang usok. Ang isa pang puwedeng gawin ay buksan ang hot shower ng banyo at langhapin ang usok.

4. Subukan ang pagtapik sa likod (chest clapping). Gamit ang mga kamay, iporma ito ng patatsulok. Pagtapos ay marahang tapikin ang likod para maglikha ng marahang tunog. Tapikin ang itaas at gitnang bahagi ng likod para matulungan na lumuwag ang madikit na plema. Ang ganitong paraan ay mainam sa mga bata na mayroong pulmonya.

5. Para maprotektahan ang likod sa pagkapuwersa, subukan ang marahang pag-ubo sa halip na isahang malakas na pag-ubo. Kung nakaramdam na ikaw ay hahatsing, subukan na kumapit sa upuan, mesa o dingding para masuportahan ang likod sa biglaang pag-ubo o paghatsing.

6. Matulog na gamit ang dalawang unan para hindi mag-ipon ng plema sa lalamunan at baga.

7. Sa huli, magpatingin sa doktor para malaman ang pinagmulan ng ulo. Kung naninigarilyo, ito na ang oras para huminto sa bisyong ito. Panatilihin ang inyong baga na malinis at malusog para makahinga nang maayos.