Lady Tamaraws magpaparamdam sa SSL Preaseason


Elech Dawa — Pilipino Star Ngayon

September 20, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pakay ng Far Eas­tern University na iparamdam kaagad ang lakas nila sa pag­harap sa Jose Rizal Uni­­­versity sa paghataw ng 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup sa FilOil Centre sa San Juan City.

Magsisimula ang bak­ba­kan ng FEU at Jose Ri­zal ngayong alas-3 ng hapon pagkatapos ng paluan ng San Beda University at Emilio Aguinaldo College sa ala-1 ng hapon.

Magkatapat naman sa alas-5 ng hapon ang San Sebastian College at University of Perpetual Help System DALTA sa event na itinataguyod ng  Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Cor­ner at R and B Milk Tea.

Markado ang Lady Ta­maraws na nais ipagpa­tuloy ang magandang ka­palaran nila sa National Invitationals Batangas Leg.

“Hopefully, madala namin ‘yung nangyari sa amin sa Invitationals, ‘yung mga na-experience namin, ‘yung maturity ng team, especially sa chemistry sa tournament na ito,” sabi ni FEU coach Tina Salak.

Sinuwag ng Lady Ta­maraws ang lahat ng tatlong laro sa Batangas Leg ng Invitationals.

Pangungunahan ng Batangas Leg Best Player Faida Bakanke ang FEU ka­tuwang sina veteran setter Tin Ubaldo, Alas Pilipinas member Cla Loresco, Jaz­lyn Ellarina, Alyssa Devosora, Gerzel Petallo at Mitzi Panangin.

Ipaparada ng Lady Bom­bers sina Angelica Yongco, Czarina Ramos, Mailey Amante at Marianne Alona sa torneong suportado ng Asics, Mikasa, Smart Sports, F2 Logistics, Team Rebel Sports, Belo Deo, SM Tickets at PusoP.com bilang technical partners.