Setyembre 24, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 24, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina ang ESP. Kung ano ang gagawin, pag-isipan muna. Lucky numbers at co-lor for the day ang 15, 24, 39, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalobilo sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – May pabuyang mata-tanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa trabaho, huwag magkumento. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na charge to experience ito na hindi na dapat maulit. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa para makapag-isip ng tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, gawin dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Magugulat ka sa makikita dahil isang dating insidente ang mauulit nang hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Unahin ang kapa-kanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at red.