Setyembre 25, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 25, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Pag-aralan ng mabuti ang gagawin para hindi ka mabigo. Walang masama kung titiyakin ang tagumpay bago simulan ang paggawa. Pag-ibig ang magbibigay ng kaguluhan sa isip. Iisantabi muna at harapin ang ibang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 36, 42 at neon green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Hawak mo ang susi ng tagumpay. Nasa sa iyo ang paraan ng pagbukas. Kumilos ka kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 34, 39 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Dahil sa iyong kabutihan at kabaitan, makakasagupa mo ang taong mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 32, at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mag-ingat dahil ang naiinggit ay may gagawin na ikakasira. Magmatyag, magmasid at mg-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung hindi nakakatiyak, huwag sumugod dahil kapalpakan ang kahahantungan. Taglayin palagi ang seguridad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 40, 44 at indigo.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Malakas ang hatak ng bato-balani ng iyong pagkatao, na bagay gamitin sa pagkumbinsi sa mahirap kausapin. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 34, 39 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Matutupad ang matagal mo nang gustong mangyari. May pipitasin kang bunga ng pagsisikap at pagtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 37, 40 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Lingunin ang iyong mga pinagdaanan dahil dito makikita ang kasagutan sa iyong kasalukuyang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 18, 23 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mali ang nakagawiang pamamalakad sa mga gastusin, kaya kalimitan kapos. Simulan ang tamang accounting. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 24, 31 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung hindi mo iiwanan ang bisyo ng pagsusugal, ito ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 33, 37 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Walang magandang kahihinatnan ang magpadalos-dalos. Habaan ang pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 30, 40 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Simulan ang binaba-lak dahil may bunga kang mapapala. Huwag ipagpabukas ang dapat gawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 22, 35 at sky blue.