September 24, 2025 | 12:00am
Sa amateur boxing, meron tinatawag na RSC or referee stopped contest.
It means tinigil ng referee ang laban dahil sa tingin niya ay nabubugbog na masyado ang isang fighter at no need na hintayin ma knockout pa.
Sa professional boxing, TKO or technical knockout ang tawag dito. Referee na ang nag-decide na dapat itigil ang fight.
Iba naman ang nangyari kay Jayson Vayson, ang Pinoy challenger kay WBA/WBO minimumweight champion Oscar Collazo ng Puerto Rico nung Linggo sa California.
Napanood ko ang highlights ng laban. May ibubuga naman ang manok natin at kahit na tinatamaan, mukha naman na kaya pa.
Pero sa isang stretch ng seventh round, tinamaan siya ng mga suntok na dehins siya nakasagot. Yanig si Vayson pero sa tingin ko, kaya pa.
‘Yun pala, iba na ang nakikita ng corner niya at pinatigil nila ang laban. Walang nagawa ang referee kundi itigil ito sa 1:41 mark.
Medyo masama ang loob ni Vayson dahil kaya daw niya ang suntok ni Collazo. In fact, ang nasa isip pa nga daw niya before the stoppage eh paspasan niya ang pace sa eighth round.
Maraming pumuna sa corner ni Vayson. Nagulat sila sa desisyon nila na ipatigil ang laban.
Well, wala nang magawa ang Pinoy challenger.
Na TSC si Vayson (trainer stopped contest).