September 26, 2025 | 12:00am
“OO nga, Guava. Naikokonek ko na ang mga pangyayari. Parang ako ang naging daan para mabuksan ang isang pangyayari. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung ano ang papel ng babaing nagbigay sa iyo ng tsinelas. Ano ang ibig sabihin at binigyan ka ng tsinelas,’’ sabi ni Apol at huminga nang malalim.
“Oo Apol, bakit tsinelas ang binigay sa akin—at nasaan na ang babaing ‘yun?”
“Paano kaya natin mati-trace ang babae?”
“Sana may CCTV na sa school ng mga panahong ‘yun ano?”
“Sa palagay mo walang CCTV sa gate ng school, Guava?”
“Palagay ko wala pa ng mga panahong ‘yun?”
“Kung makikita natin ang babae, malalaman na natin ang lahat ng misteryo,” sabi ni Apol.
“E ang dalagita? ‘Di ba mahiwaga rin ang dalagita? Ang nakapagtataka pa, kamukha ko ang dalagita.”
“Oo nga.”
“Mas maganda yata, Apol, unahin nating hanapin ang dalagita.”
“Sige.”
Pagkatapos ay dinampot ni Guava ang tsinelas. Sinuri.
“Ano kayang misteryo meron ang tsinelas na ‘yan,” sabi ni Apol.
“Kinakabahan ako, Apol.”
(Itutuloy)