September 30, 2025 | 12:00am
SI Manang na may-ari ng sari-sari store ang tumawag.
Tinungo ni Apol ang gate. Sumunod sa kanya si Guava.
“Apol may sasabihin ako sa’yo,’’ sabi ni Manang.
Binuksan ni Apol ang gate.
“Pasok ka Manang.”
Pumasok si Manang.
“Ano ang sasabihin mo Manang?”
Tumingin muna si Manang kay Guava.
“Natanaw ko kayo ng kasama mo kanina,’’ sabi ni Manang na nakatingin kay Guava.
“A si Guava po?”
“Oo. Siya ang dahilan kaya ako nagpunta rito.”
“Ano po yun?”
Maski si Guava ay napamulagat sa sinabi ng matanda.
“Kasi kamukhang-kamukha niya ang dalagita na nakikita natin. Siya na ba yung dalagita?
Talagang kamukhang-kamukha niya!”
“Hindi po Manang. Siya nga po si Guava.”
“Pero bakit iisa ang mukha nila?
Naguguluhan ako.”
“Huwag kang maguluhan Manang—si Guava ay hindi ang dalagitang nakikita natin.”
Pero parang walang naririnig si Manang na nakatitig lang kay Guava.
Itutuloy