October 4, 2025 | 12:00am
MARAMING natutulungan ang PCSO lalo ang mga sinalanta ng bagyo, lindol, baha, pagputok ng bulkan at iba pa. Nang tamaan ng bagyong Opong ang Masbate, agad nagpaabot ng tulong ang PCSO. Nang tumama ang lindol sa Cebu, nagpaabot ng tulong ang PCSO.
Tinumbok ng Bagyong Opong ang Masbate. Maraming nasalanta. Halos nagiba lahat ang mga bahay at istruktura. Pagkaraan ng pananalasa, tumambad ang mga nagkaputul-putol na poste ng kuryente, kahoy, at gumuhong lupa. Maraming kabahayan ang dumapa. Marami ang hindi nakapagprepara sa bagyo.
Iyan ang nagiging batayan nang PCSO upang agarang ikasa ang tulong para sagipin sa ginaw at sakit ang mga residente roon na lubhang naapektuhan ng Bagyong Opong. Magpapaabot ng tulong ang PCSO sa mga nasalanta ng Bagyong Opong sa Masbate ang matindi pa nito hindi paman nakakalarga ang pagsagip sa mga nabiktima ng bagyo.
Hindi pa natatapos ang pagtulong ng PCSO sa mga sinalanta ni Opong, naganap naman ang 6.9 na lindol sa Cebu kung saan maraming kabahayan at establisimento ang nawasak.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 72 ang patay habang 150 ang sugatan na ginagamot sa mga tent hospital.
Nagbigay si President Ferdinand Marcos Jr., ng P50 milyong pondo para sa mga nasalanta. Palagay ko hindi sasapat ang halaga dahil marami ang mga nawalan ng bahay.
Kaya mabilis ang ayuda ng PCSO na agad namahagi sila ng tulong. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ang ayuda ay binubuo ng mga evacuation kits at relief goods.
Ayon pa kay Robles, magpapadala rin ang PCSO ng 11 patient transport vehicle sa Cebu gayundin ang limang dump trucks mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na maghahatid ng relief goods.
Ayon kay Robles, hindi maaring talikuran ang mga kababayang nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad. Nakahanda ang PCSO sa anumang pangangailangan ng sambayanan.