Durant bumida sa preseason win ng Rockets


Pilipino Star Ngayon

October 10, 2025 | 12:00am

HOUSTON — Mintis ang unang tatlong tirada ni Kevin Durant sa kanyang debut game para sa Rockets.

Ngunit matapos ito ay hin­di na siya pumalya.

Bumira si Durant ng 20 points sa loob ng 23 minuto sa 140-127 pagpapasabog ng Rockets sa Utah Jazz sa NBA preseason game.

“I’ve felt right at home since I came here three or four weeks ago, so I felt normal,” ani Durant na nagmula sa Phoenix Suns bago lumipat sa Houston.

Para makuha si Durant ay ibinigay ng Rockets sa Suns sina Fil-Am guard Ja­len Green at forward Dillon Brooks.

Nakasama ng 6-foot-11 na si Durant sa starting lineup ng Rockets laban sa Jazz sina 6’11 Alperen Sengun at 6’10 Jabari Smith Jr.

Magbubukas ang 20­25-2026 NBA season sa Oktubre 22 tampok ang pag­hahamon ng Rockets sa nagdedepensang Oklahoma City Thunder at ang laro ng Los Angeles Lakers kon­tra sa Golden State Warriors.