Eala nagtala ng bagong career-high


Chris Co — Pilipino Star Ngayon

October 21, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang inupuan ni Alex Eala ang No. 53 spot sa official rankings na inilabas kahapon ng Women’s Tennis Assocation (WTA).

Ito ang panibagong ca­reer-high ni Eala kung saan nalampasan nito ang dating career-best No. 54 noong Oktubre 6.

Hangad ni Eala na ma­pataas ang ranking nito sa pagsabak sa Guangzhou Open na ginaganap sa Nansha International Tennis Center sa Guangzhou, China.

Unang sasabak si Eala sa doubles kasama si Ukrainian netter Nadiaa Ki­chenok.

Makakasagupa nina Eala at Kichenok sa first round sina fourth seeds Emi­ly Appleton ng Great Britain at Qianhui Tang ng China.

Sasabak din si Eala sa singles ng naturang 250-level WTA tournament na may nakalaang $275,094 kabuuang papremyo.

Makakasagupa ni Eala sa opening round ang isang qualifier mula sa qua­lifying round.

Hawak ni Eala ang No. 4 seed sa Guangzhou Open, habang top seed na­man si Jessia Maneiro ng Spain, second seed si Ann Li ng Amerika at third seed si Tatjana Maria ng Germany.

Ang iba pang seeded pla­yers ay sina No. 5 Alicia Parks ng Amerika, No. 6 Yulia Putintseva ng Kazakhstan, No. 7 Framcesca Jones ng Great Britain at No. 8 Polina Kudermetova ng Russia.

Matapos ang Guangzhou Open ay agad tutulak si Eala sa Hong Kong para naman sa Hong Kong Open na gaganapin sa Oktubre 27 hanggang Nob­yembre 2 sa Victoria Park tennis courts.